LOCAL HOSPITAL, DAYCARE CENTER SA PASIG CITY NAPABAYAAN

DISMAYADO ang mga residente sa Pasig City dahil sa mistulang pagpapabaya umano ng administrasyon ni Mayor Vico Sotto sa local hospital sa lungsod.

Bukod sa ospital, inihayag din ng mga residente ang pagkadismaya sa napabayaang daycare center sa bahagi ng Southville na dapat ay nagkakaloob ng libreng serbisyo.

Sa isang post sa Pasig Laban Page Group, ngayong palapit na ang eleksyon, kabilang ang health care services sa muling ipinapangako ng alkalde na tututukan at pagbubutihin.

“As the election nears, he is once again making commitments to address these concerns which is alarming, as it seems that he is offering only promises and not actual support, particularly for the underprivileged people of Pasig,” anang grupo.

Naniniwala ang nasabing grupo na dapat mapagtanto ng mga residente ng lungsod ang totoong estado ng pamamahala ni Sotto sa nakalipas na 6 na taon kabilang ang pananatili ng korapsyon.

Marami rin aniya sa mga residente ang humihiling ng praktikal na serbisyo na totoong pakikinabangan ng disadvantaged na mga pamilya.

Sa nakalipas kasi na 6 na taon, wala umanong naging pagbabago at sa halip ay napabayaan lamang ang mahihirap pagdating sa medical services, edukasyon, housing, employment at iba pang importanteng serbisyo. Hangad ng mayorya ng mga taga Pasig ang makabuluhang pamamahala at liderato na kayang tumupad sa mga pangakong proyekto kabilang ang pagkakaroon ng state-of-the-art hospital, libreng gamot, tulong pinansyal sa mga seniors at persons with disabilities, libreng school supplies sa lahat ng mag-aaral at housing projects.

8

Related posts

Leave a Comment