PNP MAY TEMPLATE NA KUNG PAANO HUHULIHIN MGA KASABWAT NI FPRRD

MAY template na umanong nakakasa ang Philippine National Police na ilalarga para dakpin ang hinihinalang mga kasabwat o may kaugnayan sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakadetine na ngayon sa The Hague, Netherlands, sakaling maglabas muli ng warrant of arrest ang International Criminal Court.

Inihayag ni PNP-PRO-III Regional Director at tagapagsalita ng pambansang pulisya, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, may nakahanda nang “template” ang PNP para sa paghahain ng arrest warrants sa mga personalidad na may kinalaman sa anti-drug campaign noong Duterte administration.

Sinasabing nakahanda umanong tumulong ang PNP sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa paghahain ng mga posible pang warrant of arrest laban sa umanoy “co-perpetrators” ni dating pangulong Duterte sa naging madugong war on drugs ng kanyang administrasyon na sinasabing kumitil ng libo-libong katao.

Lantad naman umano sa publiko na hindi nag-iisa ang dating Pangulong Duterte na inaakusang sangkot sa madugong war on drugs.

Aniya, alam naman ng lahat na bukod kay PRRD ay mga kasamahan din ang dating pangulo na kinasuhan kaugnay sa madugong drug war.

Nangangahulugan umano ito na sakali mang muling magpalabas ng notice ang Interpol sa posibleng warrant of arrest na ilalabas ng IC, nakahanda ang pulisya para sa implementasyon ng naturang mga warrant.

Kamakailan ay lumutang ang pangalan nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at dating PNP chief Oscar Albayalde na kapwa umano implementors ng anti-drug campaign ni PRRD, kaya sinasabing kabilang sa umano’y sinisilip na ipaaresto ng ICC.

Tinitingnan umano ng ICC ang mga naging papel ng dalawang dating PNP chief.

Samantala, nagpahayag si Sen. Dela Rosa na nakahanda siyang sumuko sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya at wala na siyang makukuhang proteksyon mula sa Senado.

Hindi umano siya makikipagbarilan sa mga dati niyang tauhan, “I don’t want to engage with my former subordinates in a gunfight. It’s gonna be useless,” ani Dela Rosa.”

If they insist on bringing me to the ICC then they can have me.” (JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment