ARTE WOMEN’S VOLLEYBALL LEAGUE PINANGUNAHAN NI ARCH. SHAMCEY

PINAMAHALAAN ni Architect Shamcey Supsup-Lee ang pagsasagawa ng ARTE Women’s Volleyball League sa unang distrito ng Pasig City.

Ayon kay Shamcey Lee, founder ng ARTE Party-list at tumatakbong City Councilor ng Pasig District 1, ang one day volleyball league ay pagkakataon para sa mga residente ng Kapasigan na makasali sa pisikal na aktibidad, bumuo ng pagtutulungan ng magkakasama, at pagyamanin ang sense of community. Ang liga ay bahagi sa patuloy na pagdiriwang ng International Women’s Month, ani Lee.

Matatandaan na sumigla rin ang larong volleyball sa bawat pamayanan at tumaas ang katanyagan nito partikular na dahil sa tagumpay at fan following ng mga koponan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Hindi lang pisikal ang idinudulot ng isports bagkus pinaiigting nito ang pakiramdam ng bawat indibidwal sa pagtaas ng kaligayahan, kasiyahan sa buhay, at mas mahusay na kalusugan ng isip, saad pa ni Lee.

Gusto rin i-kampeon ni Architect Shamcey ang Women Empowerment at aktibo rin siya bilang chairperson ng selection committee sa ginanap kamakailan na Pasig City 2025 edition ng Miss Universe Philippines pageant na idinaos sa Metrotent Convention Center ng lungsod.

Ang pageant na ito ay isang pagkakataon para talagang sumikat ang Pasigueñas, ani Supsup-Lee, kinoronahang Binibining Pilipinas Universe 2011.

16

Related posts

Leave a Comment