LOCKDOWN BAWAT TAHANAN

HINILING ng Malakanyang sa bawat pamilya na magdeklara ng lockdown sa kanilang tahanan bago pa ang nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.

Ang National Capital Region (NCR) ay isinailalim sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para pigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 at mapigilan na rin na mapuno ang mga ospital ng mga COVID-19 patients.

“Huwag na tayo mag-rely sa ECQ-ECQ. Family lockdown is the solution,” ayon kay Sec. Roque.

“Family heads, mag-declare na po kayo ng lockdown. Huwag na po ninyong palabasin ang inyong mga mahal sa buhay dahil baka mamatay pa iyan dahil sa Delta variant,” dagdag na pahayag nito.
Tanging ang mga essential trips ang papayagan sa ilalim ng ECQ.

Sinabi naman ng Department of Health na maaari kasing makapanghawa ang Delta variant ng lima hanggang walong katao “in one setting.”
Sa ngayon, nakapagtala ang Pilipinas ng 216 Delta variant cases. (CHRISTIAN DALE)

108

Related posts

Leave a Comment