MAAGANG 13TH MONTH PAY DEPENDE SA KUMPANYA

NAKADEPENDE sa kapasidad ng bawat kumpanya kung ia-advance ang pagpapalabas ng 13th Month pay ng mga empleyado nito, na siyang magagamit habang nasa community quarantine sa Metro Manila, ayon sa mataas na opisyal mula sa Department of Labor and Employment.

“Kung mahaba-haba naman po ang pisi ng mga kumpanya, maaari na po nila itong i- advance. Ang nakasaad po sa ating batas, ang isang manggagawa na nakapagtrabaho na ng isang buwan ay entitled na sa 13th month pay,” sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez.

“Pero nakadepende pa rin po ito doon sa pinansyal na kapasidad ng isang employer.

Alam naman po natin ngayon na masikip po ‘yung operasyon, at ‘yung negosyo at kita ay nababawasan,” dagdag nito.

Ayon kay Benavides, kailangan itong pag-aralan nang maige ng lahat ng kumpanya.

Naglaan naman ang DOLE ng P2 billion para sa general financial assistance at emergency employment programs sa mawawalan ng trabaho. KIKO CUETO

498

Related posts

Leave a Comment