MACHRA balitaan naudlot PAGPATAY SA ABP NOMINEE KINONDENA

HINDI natuloy ang nakatakdang Manila City Hall Reporters’ Association Balitaan kahapon ng umaga kasunod ng paglikida ng riding in tandem kay Leninsky Bacud, second nominee ng Ang Bumbero Party-list na isa sana sa mga panauhin.

Agad kinondena ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pataksil na pagbaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin kay Barangay Chairman Bacud na kasalukuyang inaalam din ng Philippine National Police at Commission on Elections kung election-related.

“Hindi natin papayagang mamayani ang takot at karahasan sa ating lungsod. Maninindigan tayo para sa katarungan at kaayusan sa Lungsod ng Maynila,” pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Nabatid na inatasan ni Mayor Lacuna Lacuna si Manila Police District Director PBGen Benigno Guzman na pakilusin ang lahat ng available resources at pangunahan ang malalimang imbestigasyon at tiyaking mabubusisi ang lahat ng anggulo sa krimen.

Inutos ng alkalde na kailangan matukoy kaagad at sampahan ng kaukulang kaso ang lahat ng sangkot, kabilang ang kanilang mastermind, financier at co-conspirators.

“I call on all Manileños to remain vigilant, report suspicious activities, and cooperate with authorities. Let us show that Manila stands united against violence and will always uphold peace, justice and the rule of law,” ayon sa lady mayor.

Si Bacud ay idineklarang dead on arrival sa UST Hospital matapos barilin nang bumaba sa sasakyan sa harapan ng kanilang bahay mag-aalas-6:00 kamakalawa ng gabi sa P. Guevarra St., Sampaloc, Manila.

(JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment