Madugong inuman 2 PATAY, 2 PA GRABE SA SAKSAK

PATAY ang dalawa katao habang malubha namang nasugatan ang dalawang iba pa matapos pagsasaksakin ng kanilang kainuman sa Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala nina Caloocan Police homicide investigators P/SSgt. Jenny Ryan Rodriguez at P/Cpl. Romnick Fabroa ang namatay na mga biktimang sina alyas “Ben” at alyas “Michael Talastas”, habang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Raul Dais at Mario Andoy.

Ayon naman kay Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., iprinisenta na sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong two counts ng murder at two counts ng frustrated murder ang suspek na si Anthony Leyte, 45, ng Golden Ville, Brgy. 167, Llano.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa kanilang kaibigan na si Teodorico Gabugan, sa Golden Ville, Brgy. 167, Llano kung saan nagkaroon ng inuman ang mga ito kasama ang suspek na kapitbahay ni Gabugan.

Nang maubos ang ilang bote ng alak ay nagpasya na ang mga biktima na umalis dakong alas-9:10 ng gabi.

Ngunit sinundan ang mga biktima ng suspek at pinagsasaksak sa hindi nabatid na dahilan.

Pagkaraan ay tumakas ang suspek ngunit kinalaunan ay sumuko sa

176

Related posts

Leave a Comment