LAGUNA – Patay ang isang lalaki at nadamay ang 6-anyos nitong anak na babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang maliit na dampa sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina Arnold Bustarga, 34, at anak nitong Ayesha Denise.
Batay sa report, bandang alas-10:00 ng gabi, magkatabing natutulog ang mag-ama nang pitong beses na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek si Bustarga ngunit nahagip din ng mga bala ang anak ng biktima.
Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang mag-ama habang mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)
