MAG-ASAWA KAPWA PATAY SA AWAY SA PERA

CAVITE – Kapwa namatay ang mag-live-in partner nang pagsasaksakin ng lalaki ang ginang saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na magtalo dahil sa problema sa pera sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Parehong isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mag-live-in partner na sina Te lmo Notaryo y Mojica, 51, at Michele Amulong y Panganiban, 47, kapwa residente ng Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite subalit kapwa idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat ni Corporal Robinson Tercia ng Naic Police Station, dakong alas-5:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa hinggil sa kinakaharap nilang problema sa pera.

Ang pagtatalo ng dalawa ay humantong sa pag-aaway hanggang sa pagsasaksakin ng lalaki ang kanyang live-in partner.

Nang makitang wala nang buhay ang babae, nagpakamatay naman ang lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti sa kisame.

Isinugod ang dalawa sa ospital subalit hindi umabot nang buhay.

Nagkasundo naman ang mga kamag-anak ng dalawa na hindi na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mag-asawa. (SIGFRED ADSUARA)

338

Related posts

Leave a Comment