MAGKAKAPATID NAGKULITAN 1 PATAY, 1 SUGATAN

SOUTH Cotabato – Patay ang isang lalaki habang sugatan isa pa makaraang pagtatagain ng kanilang kapatid matapos ang mainitang pagtatalo sa Sitio T’Bayong, Brgy. Lamfugon, Lake Sebu sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado.

Target ng manhunt operation ng South Cotabato PNP ang suspek na si Eric Sulan Salaway makaraang pagtatagain ang mga kapatid niyang sina Roland Sulan Salawaym 34, at Tuyong Sulan Salaway, 45, pawang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Lake Sebu PNP, nagkainitan ang magkakapatid hanggang sa kumuha ng itak si Eric at pinagtataga ang dalawang biktima.

Isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Roland habang inoobserbahan si Tuyong. (JESSE KABEL)

172

Related posts

Leave a Comment