MAGKAPATID ITINUMBA SA KALSADA

SURIGAO DEL SUR – Patay ang magkapatid na lalaki at babae makaraang pagbabarilin sila ng hindi kilalang suspek nitong Biyernes ng hapon sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Giovanni Tabugon, 28-anyos, residente ng Bgy. Causwagan, at Jessica Tabugon, 20-anyos, residente sa Sitio Samal, Brgy. Cabacungan, kapwa ng bayan ng Barobo, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Barobo Municipal Police, ala-1:40 ng ng hapon nang mangyari ang insidente sa Purok 6, Brgy. Causwagan ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, namili sa Bgy. Poblacion si Jessica at pagkatapos ay nagpahatid sa kanyang kuya na si Giovanni.

Habang binabaybay ng magkapatid ang naturang lugar, biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang dalawa na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek. (ANNIE PINEDA)

187

Related posts

Leave a Comment