MAGPINSAN NALUNOD SA ILOG SA TAYABAS

QUEZON – Trahedya ang sinapit ng magpinsang menor de edad matapos na malunod sa Mayao River sa hangganan ng Barangay Bigo, Pagbilao at Barangay Mate, Tayabas City, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Roberto at Gabriel, kapwa elementary student at residente ng Barangay Tumbaga 1, bayan ng Sariaya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tayabas City Police, pasado ala-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente habang magkasama ang dalawang biktima at ang kanilang isa pang pinsan at nagpasyang maligo sa ilog.

Hindi umano nagpaalam ang mga ito sa kanilang mga magulang at mga kasama na nag-picnic sa nasabing ilog.

Habang naliligo, napansin umano ng nakasaksing pinsan na tinatangay ng malakas na agos ng tubig ang dalawa kaya agad itong humingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) pero hindi na nailigtas ang dalawa.

Narekober ang bangkay ni Roberto sa malalim na bahagi ng ilog, habang natagpuan naman si Gabriel sa mabatong bahagi sa tabi ng pampang.

(NILOU DEL CARMEN)

19

Related posts

Leave a Comment