Magsasaka sa sugar liberalization SWEET DEAL SA IMPORTERS, CARTEL

(BERNARD TAGUINOD)

ITINUTURING ng grupo ng mga magsasaka sa bansa na isang ‘sweet deal’ para sa sugar importers at cartel ang mungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na higit pang luwagan ang lokal na industriya ng asukal.

Ayon kay Danilo Ramos, spokesman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), tanging ang mga importer at cartel sa asukal ang makikinabang sa planong ito ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at hindi ang mga consumer at lokal na magsasaka.

“As if the high volume of sugar imports is not enough, economic managers are bent on further liberalizing the sugar industry at the expense of consumers and sugar workers,” ani Ramos.

Hindi katanggap-tanggap anila ang katwiran ni Diokno na kaya gagawin ang nasabing plano ay para bumaba ang presyo ng asukal sa bansa dahil hindi naman ito napababa nang mag-angkat ng daan-daang metriko tonelada si Marcos.

Mula aniya nang maupo si Marcos bilang Pangulo noong Hunyo 30, 2022, nakapag-angkat na ito ng 740,000 metric tons ng asukal kung ang Sugar Order No. 4 at 6 ang pagbabasehan.

“While we are importing sugar in record volume, prices of sugar went up by at least 80% under Marcos Jr. The retail price of refined sugar in markets went from P54.50 in June 30, 2021, to P90 June 2022, and more recently, sugar prices have gone up to P110 per kilo,” paliwanag ni Ramos.

Lalong kinakabahan ang KMP dahil nais ni Diokno na gawing modelo ang Rice Tariffication sa Sugar Liberalization na naging dahilan ng pagbagsak ng presyo ng palay sa bansa subalit hindi naman bumaba ang halaga ng bigas.

“If that is the case, then we can say goodbye to PH sugar soon. Liberalization will be the final nail in the coffin of the country’s ailing sugar industry,” pahayag pa ni Ramos.

414

Related posts

Leave a Comment