LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng kanyang nakatatandang kapatid sa Brgy. Bagong Pook, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.
Dead on the spot ang biktimang si Dennis Pujanes habang sugatan ang isang bystander na aksidenteng tinamaan ng bala matapos na sunod-sunod na magpaputok ang suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Sta. Maria Police, nakainom ang biktima nang komprontahin nito ang nakatatandang kapatid na si Mario Pujanes.
Nauwi sa pagtatalo ang usapan ng magkapatid hanggang sa magbunot ng baril ang suspek.
Hindi na nakaiwas ang biktima nang sunod-sunod na paputukan ito ng kapatid.
Walang buhay na bumulagta ang biktima habang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)
333
