Malacañang kumbinsido ICC MAHIHIRAPAN SA CASE BUILD-UP

KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi makagagawa ng malakas na “case of crimes against humanity” ang International Criminal Court (ICC) prosecutors laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte lalo pa’t walang balak ang gobyerno ng Pilipinas na magpartisipa sa paglilitis.

“The ICC can do whatever it wants, but there is a chamber of ICC which already said na huwag na mag-imbestiga kung walang cooperation ng state [don’t push through with the investigation if the state won’t cooperate],” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Without cooperation from the state, napakahirap gumawa ng case build up because the court needs real evidence, not newspaper accounts,” dagdag na pahayag nito.

Tinukoy ni Sec. Roque ang naging hakbang ng ICC na tawagan ng pansin ang mga di umano’y biktima ng kampanya ng gobyernong Duterte laban sa ilegal na droga na magsumite ng kanilang pananaw, alalahanin at inaasahan kaugnay sa posibleng imbestigasyon.

Sa ulat, ito’y gagamitin upang makonsidera ng mga hukom ng ICC ang hiling ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na mag-imbestiga ukol sa mga pagpatay sa bansa na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ang Victims Participation and Reparations Section (VPRS) of the Registry ay tutulong sa mga biktima upang magproseso ng representasyon.

Hanggang Agosto 13 tatanggap ang ICC ng reklamo.

Naging kontrobersyal ang drug war ng administrasyon na anila ay labag sa karapatang pantao.

Ayon sa datos, 6,117 drug dealers na ang napatay sa gitna ng mga operasyon kontra iligal na droga.

Una nang sinabi ng Malakanyang na hindi makikiisa sa imbestigasyon ng ICC matapos tumalikod sa samahan.

Iginiit ni Duterte na “legally erroneous and politically motivated” ang imbestigasyon.

“Why would I defend or face an accusation before white people. You must be crazy,” punto ni Duterte.

“Our laws are different. Our criminal procedure is very different. How [are] you supposed to get justice there?”

Sinabi naman ni Sec. Roque na suntok sa buwan na maimbestigahan ng ICC ang nangyaring patayan sa ilalim ng Duterte administration’s drug war dahil kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute noon pang Marso 2019.

Para sa pamahalaan, ang isinusulong na imbestigasyon ng ICC ay illegal “since domestic courts and prosecution officers in the Philippines are functioning”.

Ang Rome Statute ang nagtatag sa ICC. (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment