MANGINGISDA UTAS SA ‘HIRED KILLER’

QUEZON – Patay ang isang mangingisda makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang naghahanda para pumalaot sa dagat sa bayan ng Gen. Luna sa lalawigang ito.

Ayon kay P/MSgt. Jun Almonte, imbestigador ng General Luna Police, mga tama ng bala sa ulo at katawan ang agad ikinamatay ng biktimang si Eduardo Platino, 49, residente ng Barangay Poblacion.

Bandang alas-4:45 ng umaga, papalaot na sana ang biktima nang pagbabarilin ito ng nag-aabang na suspek na nakasuot ng bonnet at jacket, gamit ang .45 kalibreng baril at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Matagal nang alitan sa lupa ang tinitingnan motibo ng mga awtoridad sa pangyayari.

Paniwala ng mga awtoridad, isang hired killer ang bumira sa biktima. (NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment