Manifesto ng pagkakaisa nilagdaan DOKTRINA GIIT PARA SA MGA KANDIDATO

bible

PARA sa iba’t ibang sekta ng pananampalataya, higit na kailangan sa mga susunod na manunungkulan sa lokal na pamahalaan ang lideratong nakasandig sa dokrina ng pananampalataya – bagay na hindi tinugon ng mga kandidato, maliban sa dalawa.

Sa idinaos na “Gabi ng Pagbabago” sa Rosmen Pavilion sa Barangay Parada sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan, sabayang nilagdaan ng mga kinatawan mula sa sektang Katoliko, born-again Christians at kapatirang Muslim ang isang manipesto nagsusulong ng isang tapat na panunungkulang base sa kani-kanilang relihiyon para sa mga susunod na liderato ng nasabing bayan.

Hamon ng mga kinatawan ng iba’t ibang sekta sa mga kandidato sa nasabing lokalidad, lagda ng mga pulitikong magiging resibong gagamitin anilang basehan sa pagsingil sa mauupo sa pwesto sakaling makaligtaang tumupad sa mga naipangako.

Gayunpaman, isa lamang sa tatlong kandidato para mayor at isa bilang vice mayor ang tumugon at lumagda sa manipestong hamon ng mga lider ng mga nasabing sekta – ang tambalan nina Renato Castro at Obet Perez ng National Unity Party.

Sa kabiguan ng iba pang kandidatong lumagda sa hamong nakasaad sa manifesto, pinili ng mga nasabing religious groups isulong ang kandidatura ng mga anila’y tumugon sa kanilang panawagan para sa isang malinis na pamamahala.

Kasabay nito, inilahad ng tambalang Castro-Perez ang kanilang plataporma de gobyerno, kabilang ang pagbabalik ng “Lumang Sta. Maria” na kilala sa mga aktibidades na may kinalaman sa relihiyon sa hangaring magsilbing paalalang hindi dapat maging mapagsamantala. (ELOISA SILVERIO)

164

Related posts

Leave a Comment