MANYAK, TIMBOG SA RAPE SA MAG-ATE

CEBU City – Nagwakas na ang maliligayang araw ng isang umano’y manyakis na lalaki nang madakip ng mga awtoridad sa makaraan ang limang taong pagtatago sa kasong panggagahasa sa magkapatid na dalagita at nabuntis ang isa mga ito, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rassen Tumulak, 42-anyos, residente sa Brgy. Poblacion, Lapu- lapu City.

Batay sa report ng Lapu Lapu-PNP, nadakip ang suspek nitong Hulyo 16 sa pinagtataguan nito sa Brgy. Talima, Isla Olango, ng nasabing bayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Lapu-Lapu City RTC noong Enero 26, 2015 sa kasong human trafficking at dalawang bilang ng kasong rape.

Ayon sa ulat, nangyari ang panggagahasa ng suspek sa mga biktimang dalagita na ang isa ay 14- anyos, sa loob ng kanilang bahay na nagresulta sa pagdadalantao ng isa sa mga ito. Kasalukuyang nasa pangangala ng Witness Protection Program (WPP) ang magkapatid na biktima. (ANNIE PINEDA)

168

Related posts

Leave a Comment