MARCELITO POMOY PASOK NA SA ‘AGT: THE CHAMPIONS’ GRAND FINALS

ANG grand winner ng second season ng “Pilipinas Got Talent” na si Marcelito Pomoy ay pasok na sa grand finals ng “America’s Got Talent: The Champions.”

Napahanga ulit ni Mars (nickname ng dual-voiced singer) ang judges, live audience at maging ang viewers around the world sa kanyang flawless rendition ng “Con Te Partiro (Time To Say Goodbye)” na pinasikat ng bulag na operatic singer na si Andrea Bocelli. Una itong ni-record ni Bocelli noong 1995 (solo), pero mas sumikat ito nang i-record niya bilang duet kasama si Sarah Brightman noong 1996, kung saan ito nag-number one sa buong Europa.

Sa kanyang “AGT: TC” semi-final performance, kinanta ni Mars ang parehong parts nina Bocelli at Brightman, at napahanga (at napanganga!) niya ang judges na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum, at Simon Cowell, na sa katapusan ng kanta ay binigyan ang Pinoy singer ng standing ovation.

Sabi ni Howie Mandel, “I gotta say that I believe that you have the best shot of winning this whole thing.”  Tinawag naman ni Alesha ang song choice ni Mars na “absolutely brilliant.”

Sabi naman ni Heidi na buong araw niyang hinintay ang performance ni Marcelito: “For you, you are my favorite. I mean, it just blows my mind.”

ANG SUGGESTION NI SIMON COWELL

Pagdating kay Simon Cowell (na binoo ng audience), medyo nag-aalangan siya. “There is no denying you have a very unique, incredible, special talent so if you make the final, I think you’ve got to take a bigger risk because now, the surprise is now over,” sabi nito.

Pero matapos ang critique na ito, pinuri niya naman si Mars: “But I do believe that with the gift that you’ve got, you’ve got a massive career in front of you.”

In fairness to Simon, kahit binoo siya, may point ang sinabi niya. Unang kinanta ni Mars ang “The Prayer” gamit ang lalaki at babaeng boses din. Dito unang na-surprise ang judges ang worldwide audience. Hindi nila inaakalang kayang gawin ito ng isang tao – and sing it flawlessly at the same time!

Sa kanyang pangalawang duet, ang “Time To Say Goodbye” nga, Napahanga niya ulit ang judges and audience. Kung ako ang tatanungin, ito ang dapat niyang ni-reserve para sa grand finals. Pang-finals na kasi ang “difficulty level” nito.

Ang point ni Simon ay ito: Alam na ngayon ng tao ang gagawin niya: kakanta ng duet gamit ang babae at lalaking boses. Wala na ang surprise, di ba? Kaya nga sabi ni Simon, “you’ve got to take a bigger risk because now,” na totoo naman. Ano pa ba ang mas hihigit sa “Time To Say Goodbye” performance niya? Magtitinikling siya habang kumakanta?

Pati mismong si Marcelito ay kinakabahan. Sabi niya sa isang interview natapos i-announce na pasok na siya sa grand finals, “Di ko pa rin alam ang gagawin ko. Ano kaya, mag-split kaya ako habang kumakanta?” pagbibiro nito.

May kaibigan ako na nag-suggest na kantahin niya ang “We Are The World” copying ALL the voices in the original recording! Haha!!!

Well, kailangang makaisip – at maka-practice – agad si Mercelito dahil sa February 10 na ito.

ANG MGA MAKAKALABAN NI MARCELITO

Sampu lahat ang maglalaban-laban sa grand finals sa February 10: si Marcelito, ang acrobatic act na Sandou Trio Russian Bar, si Alexa Lauenburger at ang kanyang dog tricks act, ang trapeze artists na Duo Transcend, ang triple-talented na si Hans, ang violinist na si Tyler Butler Figueroa.

Ang apat na makakalaban ng mga nabanggit ay ang mga nauna nang nakakuha ng Golden Buzzer kaya diretso na agad sila sa grand finals. Ito ay ang singer na si Angelina Jordan, at ang tatlong dance groups na Boogie Storm, V. Unbeatable, at Silhouettes.

Sino ang bet mo sa kanila – kung hindi si Marcelito ang papalarin?

Pero siyempre, ang Pinoy ang ipu-push natin para manalo.

Sana nga.

See you on February 10! BEN BANARES

236

Related posts

Leave a Comment