MARIKINA COUNCILOR PINALAGAN AI-EDITED PHOTO SA KONTROBERSYA KAY CONG. MARCY

UMALMA ang isang konsehal ng Marikina City sa pagkalat ng isang AI-edited photo na inuugnay siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro.

Tinawag ni Marikina 2nd District Councilor Jaren Feliciano ang paninira na “malisyoso, below the belt, at malinaw na black propaganda.”

“Nakakalungkot, nakakainsulto at nakakayamot ang mga ganitong bintang. Sobrang below the belt na ang kabastusan ninyo,” wika ni Feliciano sa isang Facebook post.

Ayon kay Feliciano, ang naturang larawan na ibinahagi ng Facebook group na Marikina Daily News ay ginawa gamit ang artificial intelligence (AI). Ipinakita rin ng konsehal ang orihinal na larawan sa kanyang post.

“Itong AI-edited photo na pinapakalat nila: malinaw na paninira at pambabastos. Fake na nga, AI-generated pa,” dagdag pa niya.

Nagbabala rin siya sa mga nasa likod ng black propaganda na huwag gamitin ang kanyang pangalan sa pamumulitika, lalo na kung ito’y para siraan si Teodoro.

“Tigilan niyo ako. Tigilan ninyo para lang makapanira kayo ng tao. Wag niyo kong simulan. Hindi po kami props, hindi kami meme material, at hindi kami kasangkapan sa mga palabas niyo,” diin ni Feliciano.

Pinagtanggol din ng konsehal ang mambabatas sa pagsasabing mataas ang kanyang respeto rito at naniniwalang kasinungalingan lang ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.

“Malaki po ang respeto ko kay Cong. Marcy Teodoro at kay Mayora Maan Teodoro. Alam ng mga taong nakakakilala sa akin at sure ako sila pa ang unang magsasabi na ang ibinabato ninyong kasinungalingan tungkol dito lalo na kay Cong Marcy ay walang katotohanan,” giit niya.

68

Related posts

Leave a Comment