NAGKAROON ng espesyal na ugnayan sina Janella Salvador at Markus Paterson noong isang taon at kontrobersyal ang naging hiwalayan diumano ng dalawa.
Ano nga ba ang tunay na namagitan kina Janella at Markus? “We’re good. I like it when it’s not straight. So let’s not set things straight muna,” makahulugang sagot ni Markus.
Kay Joshua Garcia na nauugnay si Janella ngayon dahil naging malapit sa isa’t isa nang maging magkatambal sa teleseryeng ‘The Killer Bride’ na nagtapos kamakailan.
“I don’t really need to talk to anyone about it. Like whatever happened, happened. I think it’s cool. I mean they’re gonna have a long, beautiful career together. I wish them the best,” nakangiting pahayag ni Markus.
Kahit hindi pa nagkakausap ay umaasa naman ang aktor na mananatili pa rin ang pagiging magkaibigan nila ni Joshua.
“Yeah, I guess. I mean, I don’t see why we wouldn’t be. We haven’t talked yet. I haven’t seen him yet,” giit niya.
Kung maaari ay ayaw makasama ni Markus si Janella sa mga proyektong gagawin. Para sa binata ay mabuti nang ihiwalay ang mga personal na bagay sa mga ginagawang trabaho.
“I like to keep personal life and work life far from each other. I mean, I wouldn’t mind working with her. Maybe in the future. But now, she needs to focus on Joshua for now,” pagtatapos ng aktor.
