VIRAL ngayon sa social media ang malawakang “Baklas Tarpulin Gang” kasunod ng mga kuha sa mga CCTV na tinatanggal ng mga ito ang mga tarpulin na sumusuporta kay dating Manila Mayor Isko Moreno at ngayon ay muling nagbabalik bilang ama ng lungsod ng Maynila.
Sa mga pangyayaring ito, nagdulot ng matinding galit ang mga netizen sa mga nasa likod ng nasabing ‘dirty tactics’.
Pawang mga nakasuot ng mask ang mga lalaking nakamotorsiklo at umiikot sa kalaliman ng gabi upang baklasin ang mga tarpulin ni Yorme.
Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang saloobin at komento sa social media at sinabi na dapat nating panatilihing patas ang karerang ito.
Ayon pa sa netizens, kahit baklasin nila ang bawa tarpulin, alam ng mga tao sa puso’t isipan nila kung sino ang kanilang iboboto. Ang timing ng insidente ay hindi nagkataon lamang.
Ang init ng pulitika sa Maynila ay patuloy na tumataas mula nang ipahayag ni Moreno ang kayang hangarin na bumalik bilang alkalde kung saan magiging kalaban nito si Mayor Honey Lacuna at negosyanteng si Sam Verzosa sa isang mataas na karera.
Inakusahan ng mga netizen ang isang kaalyado umano ni Lacuna kasama ang mga indibidwal na kilala bilang Boroboy at Gerome ang may pakana sa tinaguriang Baklas Tarpulin Gang.
Ang tatlo ay tahasang mga kritiko ni Isko Moreno sa social media, na kadalasang inaakusahan ng pagkalat ng fake news at paglulunsad ng mga pag-atake laban sa dating alkalde.
Ngayon, umiikot ang espekulasyon na sila ang mga lalaking nakamaskara na nakunan ng CCTV. Ang insidenteng ito ay isa lamang sa serye ng mga ulat na lumabas online, na nagpapakita ng parehong mga nakamaskarang indibidwal na nagbabaklas ng mga tarpaulin ni Moreno sa buong lungsod.
Lumalakas ang pag-aalala sa mga Manileño, kung saan marami ang kumukuwestiyon sa kanilang kaligtasan at kung magiging patas ang mayoralty race.
Sinasabi ng mga tagasuporta ni Moreno na ang kanyang mga banner ay misteryosong naglaho sa buong Maynila, na nagpapasiklab sa mga hinala na maaaring magkaribal sa pulitika ang nasa likod ng mga gawaing ito ng pananakot.
Bagama’t wala pang konkretong ebidensiya ang naipakita, ang mga tagasuporta ni Moreno ay nananawagan ng imbestigasyon sa kung ano ang kanilang nakikita bilang politically motivated harasment.
“You may take down the tarpaulins, but Yorme Isko will have our vote this May,” sabi ng isang residente na nagpahayag ng kanyang sentimyento na tila lalo pang tumitindi sa kanyang mga tagasuporta.
Hindi pa natukoy ng mga awtoridad kung sino ang mga naka-mask na indibidwal ngunit dahil sa viral video, lahat ng mata ay nasa City Hall.
Katanungan naman ng karamihan, mabubuhay ba ang katotohanan o isa na namang kaso ng dirty political tricks sa Maynila?(Danny Bacolod)
8