MATATALO RAW SI MARCELITO POMOY  SA ‘AGT: THE CHAMPIONS’ GRAND FINALS?

ALAM na nating lahat ng pasok na sa grand finals ng Season 2 ng  “America’s Got Talent: The Champions” ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy.

Gusto ko ba siyang manalo? Of course! Bakit naman hindi?

Kailan ba ang grand finals? February 10 ng 8 pm sa sa America (Eastern Time), o umaga ng Febuary 11 sa atin. Pero ang results show ay February 17.

All the while, akala ko ay LIVE ito. Hindi pala. Taped na pala ito noong latter part of 2019 pa. Sinabi ito sa akin ng isang nag-comment sa FB post ko ng semi-final performance ni Marcelito.

To confirm this (I *ALWAYS* confirm anything before posting or commenting on anything), nag-Google ako, at ito ang nabasa ko:

“America’s Got Talent: The Champions” will wrap up Season 2 with a two-hour finale on NBC that airs in the show’s regular time slot of 8 p.m. ET/PT on Monday, February 10. Competing for the votes of the super fans and studio audience in this TAPED special will be 10 acts: four Golden Buzzers and the half dozen who made the cut in the semi-final that aired February 3.

“This entire second season of “AGT: The Champions,” including the finale where the Season 2 winner was crowned, was TAPED LAST FALL. Forty acts from around the world competed. These acts were divided into groups of 10, with four advancing from each of these episodes.”

Take note of this phrase:  “INCLUDING THE FINALE WHERE THE SEASON 2 WINNER WAS CROWNED.” Was crowned. Tapos na.

Ito pang phrase na ito: “TAPED LAST FALL” – so hindi nga live.

THE FINAL 10

I-review nga natin kung sino ang siyam na makakalaban (or I should say, “nakalaban,” past tense) ni Marcelito sa grand finals:  ang acrobatic act na Sandou Trio Russian Bar, si Alexa Lauenburger at ang kanyang dog tricks act, ang trapeze artists na Duo Transcend, ang triple-talented na si Hans, ang violinist na si Tyler Butler Figueroa,  ang singer na si Angelina Jordan, at ang tatlong dance groups na Boogie Storm, V. Unbeatable, at  Silhouettes.

MAY NAG-LEAK

Dahil taped nga ito, with a “live” kuno audience (“taped as live” ang tawag dito locally), hindi naman maiiwasan na may mag-leak sa mga nangyari sa taping – especially now na may social media na. At dahil noong 2019 fall season pa ito, marami na ang nakaalam ng kinalabasan ng votes.

CONFIDENTIALITY AGREEMENT

Ang mga contestant sa mga ganitong patimpalak (lalo na ang “taped as live” shows gaya nito) ay pumipirma ng confidentiality agreement.

Ibig sabihin, nangangako sila na hindi nila ibubulgar o sasabihin kahit kanino – outside of their families or management group – ang resulta ng botohan.

Ang audience, ‘di tulad ng contestants, ay walang pinipirmahang confidentiality agreement, sabi ng isang video blogger na maalam sa mga ganitong shows. So, hindi nga malayo ang magkaroon ng leak.

$5 MILLION FINE

$5 MILLION daw ang multa ng contestant if they break the confidentiality agreement. Take note, dolyares yan! Sa Philippine peso, around PhP255 million ‘yan!

Eh, saan naman pupulot ng ganyang halaga ang mga contestants, no?!

So, hinding-hindi talaga sila magsasalita sa kung ano ang nangyari o resulta ng TAPED show.

THE WINNERS

According to the leaked information, narito ang mga nanalo: V. Unbeatable (India) ang grand champion, 1st runner-up si Angelina Jordan (Norway); 2nd runner-up ang acrobatic act na Duo Transcend (USA), 3rd runner-up ang violinist na si Tyler Butler Figueroa (USA), at 4th runner-up si Marcelito Pomoy.

NOTE: Ito po ang resulta according to a LEAKED info. Hindi pa po ito ang official results.

NASA PINAS NA SI MARCELITO

Nakabalik na ng Pilipinas si Marcelito noong Huwebes, February 6, at sa interview niya sa ABS-CBN, ang topic lang nila ay ang semi-final performance niya. Dito, nang tanungin siya kung sino sa palagay niya ang matinding kalaban niya, ang top 2 ang binanggit niya (V. Unbeatable at Angelina Jordan). Isang sign ‘yan na malamang, tama ang leaked info natin. Dahil ‘yung top 2 mismo ang tumatak sa isip ni Marcelito, di ba? Pinapalabas lang nila na hindi pa nila alam ang results, pero alam na nila. Nag-iingat lang na huwag madulas dahil nga sa nabanggit na nating confidentiality agreement.

Ang isa pang telltale sign: February 10 ang airing ng finale, at February 17 ang announcement show, so bakit umuwi na si Marcelito? Sampung araw na lang ‘yun. Babalik pa ba talaga siya sa America? Sabi niya kasi sa interview ng ABS-CBN, magpapatingin siya sa doctor tungkol sa kanyang iniindang sakit sa dibdib.

Well, kung totoo man ang leak, sakyan na lang natin na kunyari ay hindi natin alam ito.

And let’s still wish Marcelito Pomoy good luck!

 

328

Related posts

Leave a Comment