MAYBAHAY NI BBM TUTULONG PERO ‘DI MAUUPO SA PWESTO

(JESSE KABEL)

HIGIT pa sa maybahay ang susunod na Unang Ginang ng bansa, ayon sa isang Manila City government official.

Paniwala dating Manila Councilor Bernardito Ang, malaki ang maiaambag na tulong ni Atty. Liza Araneta-Marcos sa susunod na administrasyon, lalo pa’t malawak ang kalaman ng maybahay ni incoming President Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa pinagmulang prominenteng pamilya, kumbinsido rin si Ang na malaking bentahe ang pagiging abogada at law professor ng susunod na Unang Ginang.

“Siguradong hindi ordinaryong First Lady si Liza. For starters, si Liza ay isang topnotch lawyer na nagmula sa maimpluwensyang Araneta clan,” ani Ang na walong terminong nanungkulan bilang Manila Councilor bago pa man itinalagang Secretary to the Mayor sa lungsod ng Maynila.

Angkop rin aniya para kay incoming President Marcos, Jr., ang iniwang kawikaan ng sikat na yumaong Punong Ministro ng United Kingdom na si Maurice Harold Macmillan na nagsabing – “Walang lalaking magtatagumpay kung walang mabuting babae sa likuran niya. Asawa o ina, kung pareho, twice blessed talaga siya.”

Hindi rin aniya matatawaran ang suportang ipinamalas ng abogadang maybahay ng susunod na Pangulo – may halalan man o wala. Katunayan aniya, hindi nilisan ni Atty. Araneta-Marcos ang kanyang kabiyak sa panahon ng pinakamatinding pagsubok.

Sa datos na nakalap sa internet, lumalabas na founding partner ng Marcos, Ochoa, Serapio, & Tan (MOST) law firm ang abogadang Marcos na higit na kilala bilang dekampanilyang criminal lawyer.

Bukod sa kursong Bachelor of Arts Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University (1977-1981), si Gng. Marcos ay mayroon din Juris Doctoral degree sa Ateneo de Manila Law School (College of Law) sa Makati City (1981-1985) bago kumuha ng masteral unit sa criminal procedure sa New York University noong 1989.

Nagturo rin siya bilang law professor sa Mariano Marcos State University, St. Louis University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Northwestern University at Far Eastern University.

“With such a brainy woman behind BBM (although his intellect and capability to lead as President is beyond question contrary to what his detractors say), the country will surely be in good hands,” diin pa ng naturang opisyal.

Gayunpaman, una nang nagpahayag ng kawalang interes sa anumang posisyon sa gobyerno ang susunod na Unang Ginang, bagama’t kumbinsido si Ang na hindi mananaig ang tinawag niyang “bulong brigade” sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

168

Related posts

Leave a Comment