MEDICAL RESERVE CORPS IPASA NA – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Senado na ipasa na ang panukalang magtatag ng Medical Reserve Corps (MRC) na mahalaga aniyang puwersa sa panahon ng pandemya.

“The bill is already with the Senate, after the House approved it in March. They ought to pass the measure forthwith,” ani Defensor.

Ginawa ng mambabatas ang apela sa mga senador kasabay ng paggunita sa National Health Emergency Preparedness Day ngayong araw, December 6.

“We have to establish the MRC without delay to reinforce the country’s health system in times of public health emergencies, or severe health threats,” ani Defensor, mayoralty candidate ng Quezon City.

Ipinaalala ng mambabatas sa mga senador na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanawagan sa Kongreso sa kanyang 5th State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo na ipasa na ang nasabing panukala.

Sa ilalim ng House Bill 8999 na matagal nang pinagtibay ng Kamara, ang MRC ay pangangasiwaan ng Health Emergency Management Bureau ng Department of Health (DOH).
Binubuo ito ng licensed physicians, medicine graduates, medical students, registered nurses at iba pang health professional kasama ang mga nagretiro na at idedeploy sila sa panahon ng emergency. (BERNARD TAGUINOD)

164

Related posts

Leave a Comment