130 BUSES BINIGYAN NG SPECIAL PERMIT NG MMDA

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PINAYUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang may 22,000 na inaasahan nilang dadalo sa pagbubukas ng Southeast Asian Games sa November 30 na sumakay na lang ng bus upang maibsan ang traffic.

Ayon kay MMDA spokesperson Celinne Pialago, nasa may 130 buses ang kanilang binigyan ng special permit sa Sabado upang magsakay ng mga pasahero papuntang Philippine Arena in Bocaue, Bulacan.

Ayon pa kay Pialago na 70 percent ng mga bus ay mag-uumpisa sa kanilang biyahe mula sa Trinoma shopping mall na ang magiging pamasahe lang ay nasa P100 subalit ang mga mangagaling naman sa PITX ay magiging P150 naman ang pamasahe.

Sinabi pa ni Pialago na nagpakalat ang organizing committee ng Philippines’ SEA Games  — ang PHISGOC — ay magpapakalat ng 10 bus na libre para sa may mga ceremony ticket sa pagbubukas ng SEA Games.

Dagdag pa ni Pialago na nakatakda rin mag-meeting ang inter-agency upang i-finalize ang mga plano sa traffic management para sa 30th edition ng biennial games.

Ang mga sumusunod, ayon kay Pialago na mga traffic measures ay: hindi pinapayagan ang mga sale event tuwing weekend sa mga malls sa EDSA ngayong weekend; ang pagpapatupad ng ‘stop-and-go’ scheme na ang mga regular vehicles ay pahihintuin upang pagbigyan ang mga official convoys.

Sinabi pa ni Pialago na ang fast lane o ang mga innermost lane sa North Luzon Expressway ay itinalagang  gamitin ng mga official convoys pati na rin ang paglalagay ng 2 special toll gates sa Balintawak.

Ang mga kalsada naman sa paligid ng Rizal Memorial Sports Complex na isasara ay ang mga sumusunod: P. Adriatico mula President Quirino hangang Pablo Ocampo sa parehong direksyon at ang Pablo Ocampo mula Taft Avenue patungong Adriatico sa westbound.

Sa rekomendasyon na rin ng MMDA, ang klase sa mga sumusunod na paaralan ay suspendido: De La Salle University, De La Salle College of St. Benilde, St. Scholastica’s College, at Arellano University School of Law-Manila mula December  2 hangang 7; Poveda at St. Paul College sa Pasig mula December 2 hangang 6.

 

 

214

Related posts

Leave a Comment