15 KILONG GAMOT NAKUHA SA AMERIKANO SA CUSTOMS

drugs

(NI DAHLIA SACAPANO)

LABING-LIMANG kilo ng mga gamot ang nahuli ng Bureau of Customs- NAIA noong Huwebes sa NAIA Terminal 3.

Mula sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba at frontliner ng Customs nakita mula sa na xray na bagahe ng isang Amerikanong pasahero galing Vietnam ang mga gamot na walang FDA permit. Ang pag-aangkat at paglalabas ng gamot mula sa bansa na walang clearance galing sa Food and Drug Administration ay paglabag sa FDA Act of 2009.

Ang mga gamot naman na walang health clearance mula sa Bureau of Food and Drugs Administration (BFAD) ay maaring magdulot ng kapahamakan sa mga mamimili nito.

Sinisigurado ng Customs-NAIA na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa mga pasukan at labasan sa buong bansa upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando at iba pang illegal na produkto sa ating bansa.

158

Related posts

Leave a Comment