(NI FROILAN MORALLOS)
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) operatiba nitong nakalipas na araw ng Hwebes ang tatlong pong (30) chinese national na nagtratrabaho sa ilang establisimyento sa Paranaque ng walang work permit mula sa pamahalaan .
Sinabi niBI Commissioner Jaime Morente, na nahuli sa akto ng kanyang mga tauhan ang 30 dayuhan sa kanilang pinaglilingkuran na walang maipakitang proper visa or permit na galing sa pamahalaan .
Nadiskubre ang mga ito makaraang salakayin ng BI raiding team ang 16 establishments sa Solemare Parksuites at Aseana Power Station, na matatagpuan sa bisinidad ng Diosdado Macapagal Boulevard.
Makaraang nakarating sa kanilang kalaman o ipinadalang impormasyon sa kanilang opisina na maraming dayuhan ang naka-employed sa mga naturang kumpanya ng walang mga kaukulang mga papeles.
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. sa kanilang isinagawang surveillance sa mga binabanggit na lugar na diskobre nila na mayroon mga aliens sa area na nagwo-work bilang cooks, hairstylists, at vendors na walang working permit.
Karamihan sa mga ito ay may hawak na tourist visa , at aniya ang iba naman ay mga overstaying , kung saan matagal ng naninirahan sa bansa.
Ang sinasabing 30 nahuling dayuhan ay kasalukuyang naka kulong sa BI Detention Center in Bicutan, habang inaantay ang deportation proceedings.
171