4 PANG KASO NG NASABUGAN NG PAPUTOK NAITALA

paputok

APAT pang kaso ng fireworks related injuries (FWRI) ang iniulat sa Department of Health (DoH), dalawang araw bago ang Pasko. Umaabot na sa lima ang kabuuang bilang ng mga biktima mula December 21 hanggang ngayong Linggo.

Gumamit ang mga biktima – lahat ay mga batang lalaki na ang edad ay anim hanggang 12 – ng boga, kwitis, five star at camara. Sinabi ni Health Undersecretary Rolando Domingo na ang unang kaso ay naganap noong December 21 sa Nueva Ecija kung saan naputulan ng gitnang daliri ang 12-anyos na bata.

Tatlo pa sa biktima ang naputukan sa kamay habang ang isa ay naputukan sa mata.

Gayong inaasahan na ng DOH ang  pagtaas ng bilang ng mga mapuputukan, mas mababa pa rin umano ang mga nabiktima ngayon kumpara noong nakaraang taon sa katulad ng panahon. Umaabot sa 440 kaso ang naitala noong 2017, mas mababa sa mahigit 600 kaso noong 2016.

6

Related posts

Leave a Comment