5 LAGLAG BARYA GANG MEMBERS NATIKLO

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Bike Patrol ang limang miyembro ng tinaguriang Laglag Barya gang makaraang dumayo at umatake sa lungsod ng Maynila noong Lunes ng umaga.

Pawang mga residente ng lalawigan ng Laguna ang mga suspek na kinilalang sina Harold Royola, 37; Ireneo Gonzales, 48; Ian Manalang Gonzales, 28; Pepito Villanueva Jr., 50, at Renan Encarnacion, 36.

Base sa ulat ng pulisya, nangbiktima ng dalawa katao ang grupo sa Taft Avenue malapit sa Pablo Ocampo Street, Malate, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng MPD Malate Police  Station 9, ang dalawang biktima ay sakay ng isang pampasaherong jeep na may biyaheng Quiapo-Baclaran kung saan sumakay din ang mga suspek sa bahagi ng Pedro Gil Street sa Taft Avenue.

Pagsapit malapit sa panulukan ng Pablo Ocampo Street, nang iabot ng isa sa mga suspek ang kanilang pamasahe sa isa sa mga biktima upang ibayad sa driver. Ngunit bago ito makuha ng biktima ay sinadya itong ilaglag ng suspek.

Bunsod nito, napilitang pulutin ng mga biktima ang barya hanggang sa pasimpleng dinukot ng dalawang suspek ang cellphone at wallet ng mga biktima sa kanilang bulsa.

Kasunod nito, sinabi ng mga suspek sa mga biktima na kinuha ng isang pasahero na kabababa lang ang kanilang cellphone at wallet.

Ngunit duda ang mga biktima kaya nagpasaklolo sa bike patrol na nagresulta upang madakip ang limang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

221

Related posts

Leave a Comment