6 PATAY SA GUMUHONG BAHAY

guho

PINANINIWALAANG ang paglambot ng lupang kinatitirikan ng bahay sa gilid ng creek sa Sitio Bathala, Bgy. Bahay Toro, Quezon City ang dahilan ng pagguho kung saan anim katao ang kumpirmadong  namatay.

Sinabi ni Mike Marasigan ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management office na walo  ang natabunan ng gumuhong bahay sa gilid ng Culiat River.  Nadala pa sa ospital ang dalawang biktima subalit ang anim na nasawi ay naipit at nalunod sa ilog.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nilo Manguso, 46; Ryan Rigueros, 31; Benito Añora, 45; Jun Gabin; Ronald Conde, 65; at Rey Gestro, ayon kay PO1 Armed Pascual. Ginagamot naman sa ospital si Efren Milan at Fredericko Rigueros na nagtamo ng sugat sa katawan matapos tumalon habang gumuguho ang bahay

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, may nakita silang paglabag sa 3-meter easement sa mga waterways sa bahay na gumuho. Nasa creek na ang pundasyon ng itinatayong extension ng bahay ng biktimang si Ryan Rigueros.

Posible umanong lumambot ang lupa ng pundasyon dahil sa pag-ulan  at bumigay ito.

5

Related posts

Leave a Comment