60 KABAHAYAN SA TONDO, NATUPOK

TINATAYANG umabot sa 60 kabahayan ang natupok habang 180 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Coral at Juan Luna Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang alas-10:30 ng gabi sa mga kabahayan na yari sa light materials.

Ayon kay Fire Inspector Lim, ground commander, dakong alas-1:52 ng madaling araw nitong Lunes nang ideklarang fire-out ang nasabing sunog.

Nabatid mula kay Fire Officer III Cabase ng Arson Division, nagsimula ang sunog sa isang eskinita sa RA Reyes Street malapit sa Coral – Juan Luna Streets sa Barangay 58, Zone 5, Tondo.

Ayon sa isang barangay executive, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Wilfredo Barbin.

Samantala, isa ang bahagyang nasugatan sa insidente habang tinatayang umabot sa halagang P1.6 milyon ang napinsalang mga ari-arian sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

162

Related posts

Leave a Comment