(NI LYSSA VILLAROMAN)
UMAABOT sa 80 katao ang naaresto at 90 pirasong mga baril ang nakumpiska sa magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad na ikinasa ng pulisya sa Southern Metro Manila.
Sa press briefing ay iprinisinta ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Eliseo Cruz kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ang nasa 90 assorted loose fire arms na nakumpiska mula sa iba’t ibang suspects na dinakip dahil sa paglabag sa Election Gun Ban at Illegal Possession of Firearms.
Nakakumpiska rin ang mga bala, granada, shabu at drug paraphernalia.
Bukod dito ay iprinisinta rin kay Eleazar ang nasa 80 suspects na naaresto matapos masangkot mula sa iba’t ibang uri ng krimen.
Sa record ng SPD, ang nasabing accomplishment ay isinagawa mula noong Enero 13 hanggang kahapon Pebrero 13 bunsod na rin sa magkakahiwalay na “all-out drive operation” kontra kriminalidad na ikinasa ng pulisya sa Makati, Pasay, Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Taguig City at bayan ng Pateros.
138