SUSPENDIDO ang akreditasyon ng bagong foreign recruitment agencies sa bansang Kuwait.
Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) spokesperson Toby Nebrida.
Subalit nilinaw nito na ang suspensyon ay walang kaugnayan sa kaso ng pinatay na domestic worker na si Jullibee Ranara.
Ayon sa ahensya, kailangan nitong suriin at i-evaluate ang lahat ng nakabinbing recruitment applications at ang hakbang ay nagkataong nasabay sa Ranara case.
Dagdag pa ni Nebrida na mananatili ang operasyon ng accredited recruitment agencies.
Nauna nang ibinasura ni DMW Secretary Susan Ople ang panawagan para sa deployment ban at iginiit ang pagkakaroon ng bilateral talks kasama ang Kuwaiti government.
“Tatalakayin ng Pilipinas at gobyerno ng Kuwaiti ang mas mahigpit na pag-iingat, mas tumutugon sa konkretong aksiyon lalo na sa mga panawagan para sa pagliligtas, at tulong sa mga OFW sa Kuwait, dugtong pa ni Nebrida. (RENE CRISOSTOMO)
