ALAK ‘LIMITLESS’ NA ULI SA VALENZUELA

UNTI-UNTI nang lumiliwanag ang bukas para sa mga lasenggo sa Valenzuela City, matapos na tanggalin na ang ang limitasyon sa bilang ng alak na maaaring bilhin kada araw sa lungsod.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito ay alinsunod sa City Ordinance No. 851 Series of 2021 o ang inamyendahang Liquor Regulation During Pandemic Ordinance.

Binigyang-diin naman ng alkalde na bawal pa rin ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.

Hindi pa rin pinahihintulutan ang hiraman ng baso o tagayan. Huhulihin pa rin ang magbebenta o bibili ng alak tuwing curfew hours na mula 12 am hanggang 4 am.

Bawal pa rin ang pagbebenta at pagbili ng alak ng mga menor de edad at buntis. (ALAIN AJERO)

69

Related posts

Leave a Comment