MGA APEKTADO IRITADO NA; MANILA WATER WALANG MAGAWA

water12

(PHOTO BY KIER CRUZ)

ITINANGGI ng Manila Water na ang kawalan ng supply ng tubig sa ilang lugar ay dahil sa ‘manipulasyon’ sa sistema ng supply ng tubig.

Nilinaw ni Manila Water communications manager Dittie Galang na ang kawalan ng tubig sa magkakaibang lugar ay dahil magkakahiwalay din ang reservoirs ng iba’t ibang lugar.

Ito ay bunsod ng reklamo ng mga apektadong residente na nakararanas ng kawalan ng tubig habang ang ilang barangay ay hindi nawawalan ng tubig.

“Ang sistema ng Manila Water may hiwa-hiwalay yan na reservoirs, hiwa-hiwalay yan para rin sa reliability at redundancy para sakaling yung iba may problema pwede i-isolate,” sabi ni Galang.

“Yung sinasabi nila na minamanipula hindi po totoo. Design po yan ng system.”

Hanggang ngayon ay wala pa ring supply ng tubig sa maraming lugar sa  Mandaluyong, Pasig, San Juan, at Rizal province, ayon sa Manila Water. Halos isang linggo nang walang tubig sa maraming lugar sa Mandaluyong at umaasa na lang sa rasyon ng mga bumbero.

Umaabot umano sa 60,000 residente ang apektado ng mahinang supply ng tubig o higit 200,000 tao.

Sinabi pa ni Galang na marami na ring hindi naman apektado ng kawalan ng tubig ang nag-iimbak na rin dahilan para lalong mawalan ng supply ang nakararanas ng kawalan ng tubig.

Sa harap nito, tinatatapos na rin umano ng Manila Water ang water treatment sa Cardona, Rizal na kukuha ng tubig sa Laguna Lake. Inaasahang matatapos ito ng ikalawang quarter ng taon.

89

Related posts

Leave a Comment