(NI DAHLIA S. ANIN)
IDINEKLARA ng Malacañang ang Hunyo 24, 2019 na special non working holiday sa Maynila bilang paggunita sa ika-448 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Pinirmahan ang deklarasyong ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Hunyo 4 at inilabas ang kopya nito noong Huwebes.
Nakasaad sa Proclamation 731, “It is fitting and proper that the people of the city of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.”
Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang Gobernador General sa Pilipinas noong panahon ng Spanish Colonial Rule ang nagtatag sa lungsod ng Maynila noong Hunyo 24, 1571.
116