BAHAGI NG MANILA BAY ISASARA

rehab

ISASARA Miyerkoles ng umaga ang ilang bahagi ng Manila Bay kasunod ng pagdagsa ng publiko at maligo sa dagat sa kabila ng matinding polusyon ng tubig.

“Ire-renovate na siya (it will be renovated) to become world-class,” sabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda.

Babakuran ang buong kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard, mula US Embassy hanggang Manila Yacht Club gamit ang orange plastic barriers. Naglagay na rin ng karagdagang warning sign na nagbabawal maligo sa lugar.

Ito ay bunsod ng insidenteng nalunod at patuloy na nasa kritikal na kondisyon ang 11-anyos na bata.

Libu-libong tauhan ng gobyerno at mga volunteers ang nangolekta ng basura mula sa Manila Bay matapos ang simulan ang rehabilitasyon noong nakaraang buwan.

113

Related posts

Leave a Comment