‘BIKOY’ PANSAMANTALANG NAKALAYA SA ESTAFA 

bikoy2

(NI JG TUMBADO)

WALANG naisumiteng pormal na kahilingan ang kampo ni Peter Joemel Advincula o si alyas ‘Bikoy’ sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” videos, para mabigyan ng proteksyon ng Philippine National Police (PNP) sa paglabas nito sa Camp Crame, ng Sabado.

Ito ang nilinaw ng tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Police Col. Bernard Banac ilang sandal matapos lumabas si Advincula sa kostudiya ng pulisya makaraang maglagak ng P25,000 bilang piyansa at mabigyan ng release order ng Quezon City Trial Court kaugnay sa anim na kinasasangkutang kaso nito na ‘estafa’.

Pasado ala-1:00 ng hapon ng Sabado nang tuluyang makalabas ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame at hindi naging malinaw kung saan ito patutungo.

Sinabi naman ni Police Lt. Col. Thomas Ibay, ang hepe ng CIDG-National Capital Region (NCR), na wala silang impormasyon kung kailan babalik ng kampo si Advincula at kung masasampahan ito ng kaso kaugnay sa mga ibinunyag nya patungkol sa nasabing video.

Nitong Biyernes ay naisugod sa PNP General Hospital si Advincula dahil sa pagkahilo at hirap sa paghinga matapos na tumaas ang presyon nito pero kalaunan ay nailabas din agad sa nasabing ospital.

 

187

Related posts

Leave a Comment