CHINATOWN SA PQUE, PASAY UMUUSBONG

chinatown12

(NI DAVE MEDINA)

MAYROONG umuusbong na bagong pamayanan ng mga Chinese nationals sa southern part ng Metro Manila simula nitong nakalipas na taon.

Partikular na nagugustuhan ng mga Chinese mula sa mainland China at Hongkong  na maging lugar ng kanilang tirahan ang mga Lunsod ng Paranaque at Las Pinas dahil sa lapit ng distansya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), malapit sa mga lugar aliwan kagaya ng Entertainment City sa reclaimed area sa ASEAN business and entertainment district, mga hotel, condominium at casino.

Sa tala ng Paranaque City at Pasay City local government, dahil sa pagdami ng mga Chinese na napiling manirahan sa kanilang siyudad, lumago rin ang pagnenegosyo na pumabor sa mga foreign businessmen, higit  sa lokal na mga negosyante.

Magugunitang ilang siglo nang nakikipagnegosyo ang mga Chinese sa bansa partikular sa Lunsod ng Maynila na kinalaunan ay tinayuan nila ng Chinese community sa Binondo na ngayon ay mas kilalang Chinatown.

Kapansin-pansin ding nagkaroon ng mga Chinese grocery stores at restaurants ang umusbong at nag-eempleyo ng mga Filipino local residents sa dalawang Lunsod ng Pasay at Paranaque.

Wala namang nakikitang masama ang lokal na pamahalaan ng Paranaque at Pasay sa pangyayaring ito dahil nakatutulong umano ito sa paglago ng ekonomiya.

149

Related posts

Leave a Comment