CONSTRUCTION WORKER ISINELDA SA IMPROVISED NA BARIL

BINITBIT ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng improvised na baril sa panulukan ng Rizal Avenue at Malabon St., Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas “Wewe”, binata, residente ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Kenneth Relopez, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang mamataan ang suspek na may sukbit na baril.

Bunsod nito, sinita ng mga awtoridad ang suspek at nakumpiska ang nasabing baril.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591) (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (RENE CRISOSTOMO)

53

Related posts

Leave a Comment