CPP-NPA SPOKESMAN PINALULUTANG PARA SA AMNESTIYA NI PBBM

HINIHIKAYAT ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nalalabing liderato ng Communist Party of the Philippines at ang armadong galamay nitong New People’s Army, na makipag-usap at talakayin ang alok na amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hinamon ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang sinasabing tumatayong tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena, na lumantad upang pag-usapan ang alok na amnestiya ni Pangulong Marcos para sa nalalabing mga rebelde.

Naniniwala si Retired Philippine Army Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Jun Torres na wala nang pinuno sa ngayon ang kilusan dahil sa pagkamatay ni Jose Maria Sison at pagka-neyutralisa ng karamihan sa kanilang matataas na mga opisyal at tanging si Valbuena na lamang ang nagsasalita para sa grupo.

Subalit agad na nilinaw ni Torres na bukas ang pamahalaan na pakinggan kung may makabuluhang maidaragdag si Valbuena sa isinusulong na Amnesty Proclamation, upang masiguro na walang pagkakamali ang ilalabas na proklamasyon.

Magugunitang si Valbuena ang naglabas ng statement na hindi tinatanggap ng kilusang komunista ang isinusulong na Amnesty Proclamation. (JESSE KABEL RUIZ)

54

Related posts

Leave a Comment