DELIVERY RIDER, BUKING SA DAMO

NADAKIP ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng umano’y marijuana ng mga tauhan ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1, sa ikinasang anti-criminality and anti-illegal gambling operations sa panulukan ng Franco at Pilapil Streets, Brgy. 75. Tondo, Manila noong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas “Balong” 21, residente ng Pilapil Street, Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-12:15 ng madaling araw, nang maispatan ang isang lalaki na kahina-hinala ang kilos habang nakatambay sa lugar.

Dahil dito, nilapitan ang lalaki ng mga awtoridad, sa pangunguna ni Police Captain Aldeen Legaspi, hepe ng Station Investigation Division and Management Branch (SIDMB), at kinapkapan naging dahilan ng pagkakadiskubre sa dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Si alyas “Balong” ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 at Section 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

151

Related posts

Leave a Comment