DO No. 49 inilabas ng DepEd GURO, MAG-AARAL HINDI PWEDENG SOCMED FRIENDS

SA hangaring tiyakin ang patas na trato ng mga guro sa mga estudyante, isang direktiba ang inilabas ng Department of Education (DepEd) – bawal ang ano mang ugnayan sa labas ng silid-aralan.

Sa ilalim ng Department Order No. 49, hinikayat din ng kagawaran ang mga guro at non-teaching personnel na iwasang makipagrelasyon, makisali at makipag-usap sa tinuturuang mga estudyante gamit ang social media.

“DepEd officials and employees are expected to… refrain from engaging in any activity or any relationship that may impair one’s ability in making objective decisions in the performance of his/her job functions and avoid relationships, interaction, and communication, including following social media with learners outside of the school setting, except if they are relatives.”

Paliwanag ni Vice President Sara Duterte, siya ring tumatayong DepEd Secretary, maiiwasan ang hindi patas na trato ng mga guro sa mga mag-aaral, gayundin ang nakaambang peligrong kalakip ng higit pa sa nararapat na pagiging malapit sa isa’t-isa ng titser at estudyante.

“As a teacher, there has to be a line between him or her and the learner. They should not have friendly relations with their learners outside of the learning institution setting because people develop biases when they become friends with someone,” ani Duterte.

Inihalimbawa pa ng Kalihim ang isang insidente ng pananaksak ng isang estudyante sa kanyang guro habang nakikipag-inuman.

“These instances are preventable if our teaching and non-teaching staff in the Department of Education recognize that lines should be drawn,” aniya pa.

Paalala pa ni Duterte, hindi dapat mabahiran ang integridad ng mga guro at dangal ng departamento.

Pasok din sa ilalim ng naturang direktiba ang panuntunan sa paggamit ng social media. (ENOCK ECHAGUE)

15

Related posts

Leave a Comment