EPICENTER NG COVID-19, NCR PA RIN

0

NATIONAL Capital Region (NCR) pa rin ang epicenter ng COVID-19 sa bansa.

Binanggit ito ni Dr. Guido David sa Laging Handa public press briefing sa gitna ng pagsipa ng kaso sa Davao City.

Ayon kay David, halos 1,000 kaso pa rin ang naitatala sa Metro Manila kada araw.

Gayunpaman, ang nakikita aniyang trend sa ngayon sa NCR ay pababa na, lumuluwag na rin ang mga ospital at bumubuti ang naitatalang positivity rate.

Nauna rito, pinalagan ng Malakanyang ang pagkukumpara sa Davao City at Quezon City pagdating sa usapin ng “latest average daily COVID-19 cases” lalo pa’t magkaiba ang ipinatutupad na quarantine classifications sa dalawang lugar.

“Quezon City is part of the NCR bubble and Davao City has been under GCQ (general community quarantine) for a long period. Hindi tama ang comparison, hindi apple to apple,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang pahayag ay ginawa ni Sec. Roque matapos iulat ng OCTA Research na na-overtake o naungusan na ng Davao ang Quezon City pagdating sa “average daily COVID-19 cases”.

Ang Davao City kasi ay mayroong 213 average daily COVID-19 cases kumpara sa 207 ng Quezon City.

“Quezon City has been under ECQ, MECQ for almost two months. That did not happen in Davao,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque sabay tukoy sa enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine — itinuturing na mahigpit na quarantine classifications.

Sa ilalim ng ECQ, pinapayagan lamang nito na nakabukas ang essential trips at services/businesses habang sa ilalim naman ng MECQ, pinapayagan lamang nito ang essential trips at partially resumes operation ng non-essential business/services.

Ang GCQ, sa kabilang dako ay pinapayagan naman ang leisurely travel “in a downscaled capacity and subject to compliance with local government guidelines.”

Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang mga tao sa buong Davao Region ay madalas na magpunta ng Davao City para humingi ng medical assistance, na siyang naglagay ng malaking responsibilidad sa lungsod.

“Since many people go to Davao for medical assistance, their COVID-19 cases include those in neighboring areas,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment