FREE RIDE SA MRT-3 SA KABABAIHAN NGAYONG BIYERNES

mrt12

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGKAKALOOB ng libreng sakay para sa mga babaeng commuters ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ngayong Biyernes, Marso 8.

Batay sa inisyung advisory ng DOTr, nabatid na ang free ride ay bilang pakikiisa ng kanilang tanggapan sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

“Magandang Balita: Ang DOTr MRT-3 ay magbibigay ng libreng sakay sa aming mga babaeng mananakay sa darating na ika-8 ng Marso, 2019, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day!” nakasaad pa sa paabiso ng DOTr sa kanilang social media accounts.

Ayon sa DOTr, maaaring i-avail ang libreng sakay sa MRT-3 mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong araw.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City at pabalik.

 

100

Related posts

Leave a Comment