GABMC, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

MAKARAANG i-disinfect nang magpositibo sa COVID-19, binuksan na sa publiko ang Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC).

Ayon kay Dr. Teodoro Martin, director ng GABMC, ilang wards na sa pagamutan ang binuksan sa mga pasyente.

“Nahihirapan na kasi ‘yung ibang city hospital sa dami ng pasyente kaya binuksan na namin,” pahayag ni Dr. Martin.

“Nakahanda na kaming muling maglingkod sa publiko,” dagdag ni Martin.

Nabatid na may limang COVID-19 positive ang inaalagaan ngayon ng GABMC.

Sinabi ni Martin na bukas na rin Trauma ward at patuloy ang operasyon ng Dialysis Center ng nasabing pagamutan. (RENE CRISOSTOMO)

64

Related posts

Leave a Comment