Grab driver arestado naman sa ‘damo’ 3 TULAK HULI SA P17-M SHABU

UMABOT sa 2.5 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P17 milyon ang street value, ang nakumpiska mula sa tatlong lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Paco, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang mga suspek na sina Rudjiefei Bedo, 21; Saida Ayunan, 32, at Bailyn Ayunan, 32, pawang residente ng #1671 Pedro Gil St., Paco, Manila.

Batay sa ulat ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District, ikinasa ang buy-bust operation, sa pangunguna ni P/Major Dionelle Brannon, bandang alas-6:30 ng gabi sa bahay ng mga suspek.

Samantala, swak selda ng Manila Police District-Jose Abad Santos Station 7, ang isang 22-anyos na Grab driver makaraang mag-deliver umano ng marijuana sa buy-bust operation sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Old Antipolo St., Tondo, Manila noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jericho Carl Lacap y Leagas, residente ng #1622 D, Maria Natividad St., Sta. Cruz, Manila.

Nasamsam sa buy-bust operation sa suspek ang 17 sachet ng ng marijuana na tinatayang P10,000 ang halaga. (RENE CRISOSTOMO)

34

Related posts

Leave a Comment