GUMMY CANDIES CON MARIJUANA NASABAT

UMABOT sa 10 pouches ng “gummy candies” na may sangkap na “cannabis”, ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark kasama ang nasa 40 gramo ng Kush marijuana, sa isang parcel mula sa New York, USA noong Chinese New Year.

Idineklara umanong “sneakers” o mga sapatos ang laman ng parcel ngunit nang isailalim sa “x-ray scanning” at “K-9 sniffing”, nagkaroon ng indikasyon na may presensya ito ng ilegal na droga.

Nang isailalim sa “physical examination” ang parcel, nadiskubre ang Kush marijuana at gummy candies. Dinala ang mga sampol nito sa Philippine Drug Enforcement Agency laboratory kung saan nakumpirma na ilegal na droga ito.

Naglabas na ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment dahil sa paglabag sa RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to RA No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri ni District Collector Erastus Sandino Austria ang mga tauhan sa masusing pagbabantay laban sa mga kontrabando kahit sa panahon ng holiday.

“BOC pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders and our citizens’ well-being against the dangers of illegal substances that intends to penetrate our communities,” ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio.

(JOCELYN DOMENDEN)

78

Related posts

Leave a Comment