(NI DAHLIA ANIN)
NAGBIGAY ng abiso sa publiko ang Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng brownout ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit probinsiya dahil sa mga gagawing maintenance.
Sa Marso 18-24 ang nakatakdang iskedyul at ilan sa maapektuhan ay ang Caloocan City (TALA), Mandaluyong City (Wack Wack Greenhills East), Pasig City (Kapitolyo, Pineda at Ortigas Center), San Juan City at Quezon City (Central at Vasra, Cubao at Diliman).
Maapektuhan din ang ilang kalapit probinsya tulad ng Bulacan (Bocaue at Malolos City), Cavite (Dasmariñas, Imus at Gen. Trias City), Laguna (Biñan, Alaminos, Calauan, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo, at Majayjay), Rizal Province (Antipolo City at Rodriguez).
Ang pagsasagawa ng mga line reconductoring works at pag-a upgrade ng ilang pasilidad ang dahilan ng pansamantalang pagkawala ng kuryente na tatagal mula 5 oras hanggang 12 oras.
151